JaypeeOnline | Tag Archive | alamat

Tag Archive | "alamat"

Alamat ng Pipino

Friday, July 4, 2008

0 Comments

Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki. Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na maging maalaala at mapagmahal sa aswa’t anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay [...]

Continue reading...

Alamat ng Butiki

Friday, July 4, 2008

4 Comments

Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan. Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim. Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. [...]

Continue reading...

Alamat ng Paruparo

Friday, July 4, 2008

4 Comments

May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya’y mapula at kulobot. Ang mga mata’y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya’y pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad. Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng [...]

Continue reading...

Alamat ng Bundok Taal

Friday, July 4, 2008

1 Comment

Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan. Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa [...]

Continue reading...

Alamat ng Sampaguita

Friday, July 4, 2008

1 Comment

Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa matanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila. Noo’y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak [...]

Continue reading...

Alamat ng Pakwan

Friday, July 4, 2008

3 Comments

Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sinikap [...]

Continue reading...

Alamat ng Saging

Friday, July 4, 2008

4 Comments

May isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ay Mariang Maganda. Ang kanyang tahanan ay malapit sa isang maliit na gubat; doo’y maraming magaganda’t mababangong halamang namumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang prinsesa sa gubat na ito. Namimitas siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos. Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng [...]

Continue reading...

Alamat ng Tandang

Friday, July 4, 2008

2 Comments

Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan. Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang [...]

Continue reading...

Alamat ng Ilang-ilang

Friday, July 4, 2008

0 Comments

Maraming nagtataka kung bakit hile-hilera ang di mabilang na puno ng ilang-ilang sa Pampang sa Ilog ng Pancipit. Ang ilog ay homuhoho sa Look ng Balayan. Ang tubig ay galling sa Lawa ng Taal. Balita ang Ilog Pancipit sa mga isdang-tabang na nahuhuli rito tulad ng maliputo, lumulukso, at tawilis na di nakikita sa alinmang [...]

Continue reading...

Alamat ng Lansones

Friday, July 4, 2008

3 Comments

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga [...]

Continue reading...

Alamat ng Kasoy

Friday, July 4, 2008

0 Comments

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Ang buong kagubatan ay [...]

Continue reading...