Florante at Laura

12 Jun 2008 ·

Asides



Florante at Laura ni Francisco Balagtas

Kay Selya

1
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib

2
Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

3
Makaligtaan ko kayang di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

4
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

5
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

6
Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso’t panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at di mananakaw magpahanggang libing.

7
Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan;
sa ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

8
Di mamakailang mupo ang panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

9
Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
sa buntunghininga nang ikaw’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring langit,
paraiso naman ang may-tulong silid.

10
Nililigaw ko ang iyong larawan
sa Makatang Ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

11
Nagbabalik mandi’t parang hinahanap
dito ang panahong masayang lumipas:
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

12
Parang naririnig ang lagi mong wika
“Tatlong araw na di nagtatanaw-tama,”
at sinasagot ko ng sabing may tuwa
“Sa isa katao’y marami ang handa.”

13
Anupa nga’t walang di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha’y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”

14
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

15
Bakit baga noong kami’y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Selya’y di ka mapaparam.

16
Itong di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako’y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

17
Selya’y talastas ko’t malabis na umid
mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig;
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ang tainga’t isip.

18
Ito’y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

19
Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop
tubo ko’y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo’y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

20
Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

21
Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.

22
Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo’y ang M. A. R.
sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B.

Sa Babasa Nito

1
Salamat sa iyo, O nanansang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod;
ang tula ma’y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

2
Kung sa biglang tingi’y bubot at masaklap,
palibhasa’y hilaw at mura ang balat;
nguni’t kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

3
Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana’t dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi’t alpa’y nasa iyo
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

4
Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa’t hulo,
at makikilalang malinaw at wasto.

5
Ang may tandang letra alinmang talata,
di mo mawatasa’t malalim na wika,
ang mata’y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga’y mapag-uunawa.

6
Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
sa kay Sigesmundo’y huwag ding matulad;
Sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula’y umalat.

[continued on next page...]

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14



Subscribe to JaypeeOnline's RSS feed  Share this on del.icio.us  Stumble It!  Digg this!  Share this on Facebook  Tweet this!  Share on FriendFeed  Bookmark It!  Submit to Reddit!  Share on Mixx  Buzz It!  Email this story to a friend!
Written by Jaypee Habaradas
Owner and editor of JaypeeOnline. Self-proclaimed geek. New media writer and consultant. WordPress advocate. Loves blogging, gadgets, video games and sports. You can follow him on Twitter @jaypee or Facebook.
Didn't find what you're looking for? Try looking for it again.

Related Posts

Related Ads






















, , , , , , , , , ,



33 Responses to “Florante at Laura”

  1. john PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    babasahin ko toh!!
    araw araw!!

  2. heLpmeplsZ PHILIPPINES Internet Explorer Windows Says:

    pwde nyo po bang ipaliwanag ang saknong 47 at 48 hindi ko ksi maintindihan eh help nyo po ako kailangan ko po sa monday….txt nyo po ako sa # na 2 09086148649 or magpost nlng kau d2

  3. John PHILIPPINES Internet Explorer Windows Says:

    HEY…. Thank you for putting all the “saknong” of the new edisyon of florante at laura…

    You helped me finish my project in FILIPINO II…

    TNX your my hero…

  4. vanessachubanessha AUSTRALIA Internet Explorer Windows Says:

    …,..(”,)..,.. hi pede pakipaliwana6 nmn un6 sakn0n6 338 2 352 i nid ds please im begging u kailan6an na kailan6an q i2 pra sa akin6 report on monday na kc i2 february 15 2010 thnx –^.^–

  5. reinier john bautista PHILIPPINES Google Chrome Windows Says:

    thank you for posting this (^_^)

  6. kath.tuazonx) PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    uhhm…
    i really need help with this saknong
    saknong no. 43

    Di kung ako Poo’y manggubat
    ng hari mong ama sa alinmang s’yudad,
    kung ginagawa mo ang aking sagisag,
    dalawa mong mata’y nanalong ng perlas?

    i can’t expound it to the fullest
    for me to understand :D

    can u interpret it for me line by line? :D
    i’m just having too much trouble with tagalog

    tnx!

  7. franco PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    thank you sa mga sakno ng florante at laura

  8. patrisha camille c. tan PHILIPPINES Google Chrome Windows Says:

    thank you for posting this book it really helps me to overcome my filipino project… hoping that you’ll gonna post the full tagalog version of this book including the character, their picture and the life of francisco balagtas

  9. Junie SAUDI ARABIA Google Chrome Windows Says:

    ano poh ang nunukal sa gitgit dun poh sa 137?

  10. dennis AUSTRALIA Mozilla Firefox Windows Says:

    paki explain p0h ung saknong 300 plzzzzzzz kaylangan ko na p0h bukas thank you p0h muah <3

  11. danes PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    pki explain nga po e2 “binigyan babala ni blagtas ang kanyang mga mambabasa na huwag pakialaman o baguhin ang kanyang akda kung hindi ito nauunawaan. huwag itong basahin na tila nagbabasa ng karaniwang akda. nagbigay siya ng ats kung paano babasahin ang kanyang akda.”

  12. Jen PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    nsan po yung buong story? please reply ASAP.. thanks!

  13. selah grace PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    ….grabe napakalalim….salamt:)

  14. retiopyl PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    meron po bng video ng declamation ng Florante at Laura??? I need to know how… medjo malalim kc… thanks…

  15. jona PHILIPPINES Google Chrome Windows Says:

    pki.explain naman po ung saknong 241, i really need it po kasi for our group report, i was assigned to explain it, but it’s hard, npkalalim ng mga words. please, hope anyone will respond

  16. Jullian AUSTRALIA Mozilla Firefox Windows Says:

    pwede b ung ginagwa mong yan? prng plagiarism yan eh. pero wag mong tangalin kc kailangan p yan ng iba, tnx nga pla sa pag post ng buong florante at laura. :)

  17. kent PHILIPPINES Internet Explorer Windows Says:

    tnx! for all informations GOD BLESS!!

  18. Flordeliz-Joy Pansag PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    Tnx sa information. sana many pa katulad mo ang mag-share ng knowledge nila about F&L tnx talaga GODSPEED

  19. [Blocked by CFC] fireman PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    “Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol
    sa isang mabait, maestrong marunong;
    lahi ni Pitaco–ngala’y si Antenor–
    lumbay ko’y sabihin nang dumating doon.

  20. Jonathan PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    Umm… mga sisters may summarization ho ba kayo nito… tinatamad akong magbasa!! ang taba taba ko na…

  21. jojo sempio PHILIPPINES Opera Windows Says:

    thanks for the share…

  22. boyking PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    pwede poh pakipublish english version ng florante at laura

  23. mine PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    you know guys its not hard to understand it, you just need– self concentration for you to understand

  24. claire PHILIPPINES Internet Explorer Windows Says:

    hi bkt nman english ass. qoh tagalog eeh

  25. georgette PHILIPPINES Internet Explorer Windows Says:

    ahmm…thanks po..kaya lang po di ko masyado maintindihan kc malalim ung tagalog..ahm..thnx po ulit.

    tc..
    mZ.MuZikERa012

  26. Milfeulle PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    Alam nyo po ba yung natatagong lihim na rebelyon sa florante at laura?
    kailangan kasi namin e, salamat :D

  27. cancercity AUSTRALIA Mozilla Firefox Windows Says:

    ang assignment kasi namin ay gumawa ng slogan tungkol kay selya

  28. cancercity AUSTRALIA Mozilla Firefox Windows Says:

    pwede po bang makahingi ng slogan tungkol kay selya?

  29. Monica UNITED STATES Internet Explorer Windows Says:

    pwede humingi ng tagalog summary?? hindi ko kasi maintindihan ang lessons namin! SALAMAT!

  30. Jaypee UNITED STATES Mozilla Firefox Ubuntu Linux Says:

    @max – Walang ano man! :)

  31. max PHILIPPINES Mozilla Firefox Windows Says:

    tnx po d2 s site n 2.. hehehe

**Comments posted on JaypeeOnline are moderated. I reserve the right to edit/delete comments that contain words or phrases that are defamatory, abusive, incite hatred and advertise an email address, commercial services or spammy.

Don't Be Shy. Share your thoughts!


Live Comment Preview


Trackbacks/Pingbacks

  1. [...] you’re looking for further information regarding Florante at Laura, the main characters and the full text in Tagalog, go to Florante at Laura. AKPC_IDS += "5844,"; Share this on del.icio.usDigg this!Share this on RedditBuzz up!Stumble [...]