Florante at Laura


Florante at Laura

12 Jun 2008 ·

Asides



**Ang Pakikipagsapalaran ni Florante**

299
“At kung hindi luhang pabaon sa akin,
namatay na muna bago ko naatim;
dusang di lumikat hanggang sa dumating
sa Bayang Krotonang kubkob ng hilahil.

300
“Kuta’y lulugso na sa bayong madalas
ng mga makinang talagang pangwalat,
siyang paglusob ko’t ng hukbong akibat,
ginipit ang digmang kumubkob sa syudad.

301
“Dito’y ang masidhing lubhang kamatayan
at Parkas Atropos ay nagdamdam-pagal
sa paggapas nila’t pagkitil ng buhay
ng naghihingalong sa dugo’y naglutang.

302
“Makita ng piling Heneral Osmalic
ang aking marahaas na pamimiyapis,
pitong susong hanay na dulo ng kalis,
winahi ng tabak nang ako’y masapit.

303
“Sa kaliwa’t kanan niya’y nalaglag
mga soldados kong pawang mararahas;
lumapit sa aking mata’y nagniningas,
Halika, aniya’t kita ang maglamas.

304
“Limang oras kaming hindi naghiwalay,
hanggang sa nahapo ang bato ng tapang;
nagluksa ang langit nang aking mapatay…
habag sa gererong sa mundo’y tinakpan.

305
“Siya nang pagsilid ng pangingilabot
sa kalabang hukbong parag sinasalot
ng pamuksang tabak na Minandrong bantog…
ang kampo’t biktorya’y napa-aming lubos.

306
“Tagumpay na ito’y pumawi ng lumbay
ng mga nakubkob ng kasakunaan;
panganib sa puso’y naging katuwaan,
ang pinto ng syudad pagdaka’y nabuksan.

307
“Sinalubong kami ng haring dakila,
kasama ang buong bayang natimawa;
ang pasasalamat ay di maapula
sa di magkawastong nagpupuring dila.

308
“Yaong bayang hapo’t bagong nakatighaw
sa nagbalang bangis ng mga kaaway,
sa pagkatimawa ay nag-aagawang,
malapit sa aki’t damit ko’y mahagkan.

309
“Sa lakas ng hiyaw ng Pamang matabil,
vivang dugtung-dugtong ay nakikisaliw;
ang gulong salamat, nagtanggol sa amin–
dininig sa langit ng mga bituin.

310
“Lalo ang tuwa nang ako’y matatap
na apo ng hari nilang nililiyag;
ang monarko nama’y di-munti ang galak,
luha ang nagsabi ng ligayang ganap.

311
“Nagsiakyat kami sa palasyong bantog
at nangapahinga ang soldadong pagod;
datapwa’t ang baya’y tatlong araw halos
na nakalimutan ang gawaing pagtulog.

312
“Sa ligaya namin ng nuno kong hari,
nakapagitan din ang lilong pighati;
at ang pagkamatay ng ina kong pili,
malaon nang lanta’y nanariwang muli.

313
“Dito naniwala ang bata kong loob
na sa mundo’y walang katuwaang lubos;
sa minsang ligaya’t tali nang nakasunod–
makapitong lumbay o hanggang matapos.

314
“Naging limang buwan ako sa Krotona
nagpilit bumalik sa Reynong Albanya;
di sinong susumang sa akay ng sinta
kung ang tinutungo’y lalo’t isang Laura?

315
“Sa gayong katulin ng aming paglakad,
naiinip ako’t ang nasa’y lumipad;
aba’t nang matanaw ang muog ng syudad,
kumutob sa aking puso’y lalong hirap!

316
“Kaya pala gayo’y ang nawawagayway
sa kuta’y hindi na bandilang binyagan,
kundi Medialuna’t reyno’y nasalakay
ni Alading salot ng pasuking bayan.

317
“Ang akay kong hukbo’y kusang pinahimpil
sa paa ng isang bundok na mabangin,
di kaginsa-ginsa’y natanawan namin,
pulutong ng Morong lakad ay mahinhin.

318
“Isang binibini ang gapos na taglay
na sa damdam nami’y tangkang pupugutan;
ang puso ko’y lalong naipit ng lumbay
sa gunitang baka si Laura kong buhay.

319
“Kaya di napigil ang akay ng loob
at ang mga Moro’y bigla kong nilusob;
palad nang tumakbo at hindi natapos
sa aking pamuksang kalis na may poot!

320
“Nang wala na akong pagbuntunang galit,
sa di makakibong gapos ay lumapit;
ang takip sa mukha’y nang aking ialis,
aba ko’t si Laura! may lalo pang sakit?

321
“Pupugutan dahil sa hindi pagtanggap
sa sintang mahalay ng Emir sa syudad;
nang mag-asal hayop ang Morong pangahas,
tinampal sa mukha ng himalang dilag.

322
“Aking dali-daling kinalag sa kamay
ang lubid na walang awa at pitagan;
mga daliri ko’y naalang-alang
marampi sa balat na kagalang-galang.

323
“Dito nakatanggap ng lunas na titig
ang nagdaralitang puso sa pag-ibig;
araw ng ligayang una kong pagdinig
ng sintang Florante sa kay Laurang bibig.

324
“Nang aking matantong nasa bilangguan
ang bunying monarka’t ang ama kong hirang;
nag-utos sa hukbo’t aming sinalakay
hanggang di mabawi ang Albanyang Bayan.

325
“Pagpasok na namin sa loob ng reyno,

bilanggua’y siyang una kong tinungo;
hinango ang hari’t ang dukeng ama ko
sa kaginooha’y isa si Adolfo.

326
“Labis ang ligayang kinamtan ng hari
at ng natimawang kamahalang pili;
si Adolfo lamang ang nagdalamhati,
sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.

327
“Pangimbulo niya’y lalo nang nag-alab
nang ako’y tawaging Tanggulan ng Syudad,
at ipinagdiwang ng haring mataas
sa palasyo real nang lubos na galak.

328
“Saka nahalatang ako’y minamahal
ng pinag-uusig niyang karikitan;
ang Konde Adolfo’y nagpapakamatay–
dahil sa Korona’t–kay Laura’y makasal.”

[continued on next page...]

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14


Subscribe to JaypeeOnline's RSS feed  Share this on del.icio.us  Stumble It!  Digg this!  Share this on Facebook  Tweet this!  Share on FriendFeed  Bookmark It!  Submit to Reddit!  Share on Mixx  Buzz It!  Email this story to a friend!
Written by Jaypee Habaradas
Owner and editor of JaypeeOnline. Self-proclaimed geek. New media writer and consultant. WordPress advocate. Loves blogging, gadgets, video games and sports. You can follow him on Twitter @jaypee or Facebook.
Don't miss a single post and receive FREE updates on your email inbox. Subscribe NOW!

Enter your email address:

*Don't forget to verify your subscription by clicking the link on the email that Feedburner will send you.*

Didn't find what you're looking for? Try looking for it again.

Related Posts

Related Ads

























, , , , , , , , , ,

**Comments posted on JaypeeOnline are moderated. I reserve the right to edit/delete comments that contain words or phrases that are defamatory, abusive, incite hatred and advertise an email address, commercial services or spammy.


57 Responses to “Florante at Laura”

  1. keii-ran Says:

    people…. diba tabsing is tide? got it from translate.google.com and surveys…

    Reply

  2. emsuanz Says:

    un pong paliwanag ng saknong 19-68 at 80-109…….i need it tomorrow,thnx!!!!!!

    Reply

  3. bea Says:

    SALAMAT po :) mas napadali yung assign ng kapatid ko because of you :)

    Reply

  4. unknown Says:

    ano po paliwanag ng bawat saknong ng HENERAL NG HUKBo sa florante at laura

    Reply

  5. Pure Winry Says:

    ….ummm……. ‘sir! thank you for the help ‘sir!!! love lots!!! be safe always!!! you’re an ANGEL sent for me in this time of needs…. n_n

    Reply

  6. Pure Winry Says:

    Thank you po!!! Isang malaking tulong po ang ginawa nyo dito!!! project po kasi namin ito eh….. it is really a great help!!!>.<

    Reply

  7. shantel Says:

    may paliwanag po ba kayo sa tagalog para sa saknong 262 to 271?
    kailangan ko po kasi eh…sana kung kayaniyo po maibigay sa akin hanggang bukas…kung maari lng po…maraming salamat po…

    Reply

  8. caryl Says:

    OMG! This is wicked! Did u type all the letters per word in every line per stanza? Anyway, salamat! This will help me a lot in my assignment. Cherio!

    Reply

  9. erica Says:

    pahabol pa po sino rin po ba si reyna yokasta…tnx po ulit..

    Reply

  10. erica Says:

    gusto ko lang pong malaman ung paliwanag sa saknong 226 hanggang 231,,rereport ko po kasi eh,,tnx po,,,

    Reply

  11. jhuleann Says:

    ano po ba ang mga ibig sabihin ng bilin koy tandaan sa FLORANTE AT LAURA?
    ANG TITLE PO AY huwag padadala sa gandang pakita.

    Reply

  12. kathy bedonia Says:

    please help.ano ba ang naging kapalaran ni florante nung nasa gubat siya?

    Reply

  13. rein marie Says:

    @lorraine:
    lumawig-lumawak/tumindi
    tabsing-maalat-alat/alat
    pinipintakasi-hinahangaan/minamahal
    abang-minamahal/love
    irog-kasintahan
    tumarok-pumasok
    bukal-bukas
    bubot-hilaw at maliit ang bunga

    na search kulang din yan,….try mo to search sa google CAN YOU HELP ME WITH THIS TAGALOG WORDS FROM FLORANTE AT LAURA???!!!?
    makikita mo doon yung hinahanap mo,katulad ng sinulat ko,kunti lang yang saakin eh,…e search mo nga yang pina search ko sayo at makikita mo maadami yon……..

    Reply

  14. MAYUMI Says:

    …may tagalog summary foh vha kayo????? kailangan lang poh..

    Reply

  15. aiytz2x Says:

    wow…. report ko too.. T_T

    Reply

  16. lorraine Says:

    ..hey guys.. gusto ko lng po sana irequest na kung pwede po gawa po kau ng “pagpapayaman ng talasalitaan”.. pati na rin po ung mga kahulugan dun sa mga “deep filipino words” like ,, pinipintakasi,hilahil,panimdim etc.
    ‘hope u understand.
    thank you.

    Reply

  17. charmaine Says:

    paki lagay nga po ung meaning doon sa si selya please

    Reply

  18. rhian Says:

    bkt wala po bang tagalog ? ung mga characters ?

    Reply

  19. spg seashell Says:

    umm.. wala bang song nina Florante at Laura..??? I really need it now…!!! please I am begging….

    Reply

  20. kier obregon Says:

    i want to ask something guys a want tu ask da last sumary of this story?

    i need da sumury tomurow

    Reply

  21. che Says:

    report q poh kc ang florante at laura… wat are the theme, symbols, plot and reaction of florante at laura.. report q poh sa philippine literature..

    Reply

  22. che Says:

    wat s/are the theme of florante at laura?
    and also the symbols..

    Reply

  23. john Says:

    babasahin ko toh!!
    araw araw!!

    Reply

  24. heLpmeplsZ Says:

    pwde nyo po bang ipaliwanag ang saknong 47 at 48 hindi ko ksi maintindihan eh help nyo po ako kailangan ko po sa monday….txt nyo po ako sa # na 2 09086148649 or magpost nlng kau d2

    Reply

  25. John Says:

    HEY…. Thank you for putting all the “saknong” of the new edisyon of florante at laura…

    You helped me finish my project in FILIPINO II…

    TNX your my hero…

    Reply

  26. vanessachubanessha Says:

    …,..(“,)..,.. hi pede pakipaliwana6 nmn un6 sakn0n6 338 2 352 i nid ds please im begging u kailan6an na kailan6an q i2 pra sa akin6 report on monday na kc i2 february 15 2010 thnx –^.^–

    Reply

  27. reinier john bautista Says:

    thank you for posting this (^_^)

    Reply

  28. kath.tuazonx) Says:

    uhhm…
    i really need help with this saknong
    saknong no. 43

    Di kung ako Poo’y manggubat
    ng hari mong ama sa alinmang s’yudad,
    kung ginagawa mo ang aking sagisag,
    dalawa mong mata’y nanalong ng perlas?

    i can’t expound it to the fullest
    for me to understand :D

    can u interpret it for me line by line? :D
    i’m just having too much trouble with tagalog

    tnx!

    Reply

  29. franco Says:

    thank you sa mga sakno ng florante at laura

    Reply

  30. patrisha camille c. tan Says:

    thank you for posting this book it really helps me to overcome my filipino project… hoping that you’ll gonna post the full tagalog version of this book including the character, their picture and the life of francisco balagtas

    Reply

  31. Junie Says:

    ano poh ang nunukal sa gitgit dun poh sa 137?

    Reply

  32. dennis Says:

    paki explain p0h ung saknong 300 plzzzzzzz kaylangan ko na p0h bukas thank you p0h muah <3

    Reply

  33. danes Says:

    pki explain nga po e2 “binigyan babala ni blagtas ang kanyang mga mambabasa na huwag pakialaman o baguhin ang kanyang akda kung hindi ito nauunawaan. huwag itong basahin na tila nagbabasa ng karaniwang akda. nagbigay siya ng ats kung paano babasahin ang kanyang akda.”

    Reply

  34. Jen Says:

    nsan po yung buong story? please reply ASAP.. thanks!

    Reply

  35. selah grace Says:

    ….grabe napakalalim….salamt:)

    Reply

  36. retiopyl Says:

    meron po bng video ng declamation ng Florante at Laura??? I need to know how… medjo malalim kc… thanks…

    Reply

  37. jona Says:

    pki.explain naman po ung saknong 241, i really need it po kasi for our group report, i was assigned to explain it, but it’s hard, npkalalim ng mga words. please, hope anyone will respond

    Reply

  38. Jullian Says:

    pwede b ung ginagwa mong yan? prng plagiarism yan eh. pero wag mong tangalin kc kailangan p yan ng iba, tnx nga pla sa pag post ng buong florante at laura. :)

    Reply

  39. kent Says:

    tnx! for all informations GOD BLESS!!

    Reply

  40. Flordeliz-Joy Pansag Says:

    Tnx sa information. sana many pa katulad mo ang mag-share ng knowledge nila about F&L tnx talaga GODSPEED

    Reply

  41. [Blocked by CFC] fireman Says:

    “Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol
    sa isang mabait, maestrong marunong;
    lahi ni Pitaco–ngala’y si Antenor–
    lumbay ko’y sabihin nang dumating doon.

    Reply

  42. Jonathan Says:

    Umm… mga sisters may summarization ho ba kayo nito… tinatamad akong magbasa!! ang taba taba ko na…

    Reply

  43. jojo sempio Says:

    thanks for the share…

    Reply

  44. boyking Says:

    pwede poh pakipublish english version ng florante at laura

    Reply

  45. mine Says:

    you know guys its not hard to understand it, you just need– self concentration for you to understand

    Reply

  46. claire Says:

    hi bkt nman english ass. qoh tagalog eeh

    Reply

  47. georgette Says:

    ahmm…thanks po..kaya lang po di ko masyado maintindihan kc malalim ung tagalog..ahm..thnx po ulit.

    tc..
    mZ.MuZikERa012

    Reply

  48. Milfeulle Says:

    Alam nyo po ba yung natatagong lihim na rebelyon sa florante at laura?
    kailangan kasi namin e, salamat :D

    Reply

  49. cancercity Says:

    ang assignment kasi namin ay gumawa ng slogan tungkol kay selya

    Reply

  50. cancercity Says:

    pwede po bang makahingi ng slogan tungkol kay selya?

    Reply

  51. Monica Says:

    pwede humingi ng tagalog summary?? hindi ko kasi maintindihan ang lessons namin! SALAMAT!

    Reply

  52. Jaypee Says:

    @max – Walang ano man! :)

    Reply

  53. max Says:

    tnx po d2 s site n 2.. hehehe

    Reply

Don't Be Shy. Share your thoughts!

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackbacks/Pingbacks

  1. [...] and the “Prince of Tagalog Poets” for his impact on Filipino literature with Florante at Laura regarded as his defining work. In fact, he is so greatly revered in the Philippines that a [...]

  2. [...] you’re looking for further information regarding Florante at Laura, the main characters and the full text in Tagalog, go to Florante at Laura. AKPC_IDS += "5844,"; Share this on del.icio.usDigg this!Share this on RedditBuzz up!Stumble [...]